The DaySeptember 28,2006
Sa petsa na to dapat eh maga-update ako. Kaso may bagyo. Eh alam niyo naman....
no electricity
x no water supply = thyphoons
Saklap noh?
So basically the reason why I haven't updated in a while is because of the stupid typhoon. Geez. Ang lakas kaya niya! Dapat nga eh Spiritual Retreat namin sa araw na toh eh may bagyo eh so di natuloy. Sayang. Pero okay lang dahil di ko na kailangang gumising ng maaga at mas makakatulog ako ng mas mahaba. Edi ayun na nga. ABA! Ang ganda pa naman sana ng aking dream kaso bigla akong nagising dahil may kung anong ingay akong narinig so I had to get myself so I had to get my self out of bed kasi wala na ring use nagising na ako eh! Tinignan ko sa labas kung ano yung ingay na naririnig ko. Wahahahahaha. Dudes..watta sight! Mga nagliliparang
sanga ng puno at yero ang bumalandra sa akin! Syemperz namangha ako dahil first time ko maka experience nito so todo video & picture taking naman ako! Muntik pa nga mabasa yung phone ko eh! Tapos nung natapos na yung unang round nung bagyo kasi dibah dalawang round yun? Naglabasan na kami ng mga kapitbahay namin. DYOSKOH. Parang
JUNGLE ang napakaganda naming neigbourhood! Halos lahat ng puno nag katumba tumba ,nabali at lahat lahat na. Kahit nga yung bakod ng katabi naming bahay nagiba at walang sinanto si Milenyo dahil pati yun 100 years old
*well actually hindi naman talaga a century old yun pero matagal na siya bata pa lang kami eh nandun na yun so medyo matanda na rin yun!* na higanteng mangga pero mukhang narra ng kapitbahay namin eh nagiba rin. Aba syemperz na-amaze ako kaya naman nag picture taking galore ako! Haha. Adik. Tapos nagkipagkwentuhan sa mga childhood friends ko at ayun talaga namang aliw na aliw at amaze na amaze ako. Sa awa ni Lord
walang napinsala sa amin. Akala ko nga bibigay yung
puno namin ng atis pero buti na lang hindi. Dahil pramis
malulungkot ako pag nawala ang atis namin. PRAMIS! So after half an hour or so eto na naman si Milenyo at nagpapapansin. Round 2 na! So pasok naman kaming lahat sa kanya kanya naming mga
palasyo. Sa loob wala naman kaming magawa kundi magtitigan. Pano walang kuryente at pati tubig na rin so halos mabaliw talaga ako. Ang ginawa ko na lang ay naupo sa tabi ng bintana at pinanood ang
mga yero at punong lumilipad habang kumakanta. Grabe ang tagal ko nga tang nag muni-muni at nag-MTV sa tabi ng bintana namin at lahat na ata ng kantang alam ko ay nakanta ko na. Feeling ko nga eh nakasama pa lalo ang pagkanta ko mga dudes. Super bored talaga ako so kumain na lang ako at pagkatapos kong makain lahat ng pedeng kainin sa amin eh natulog ako.....................
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....
Mga 8:00 pm na ako nagising or 7:30 ata. Haba ng tulog ko. Seven hours? Pagkagising na pagkagisig ko eh kumain ako tapos natulog na yung mga tao sa bahay namin. Dun na kami natulog ni Andox sa sala nagchismisan muna tapos natulog na siya. Eh ang tagal tagal ko bago nakatulog dahil ang haba nga ng tulog ko nung tanghali. So nakatunganga lang ako dun at dahil walang magawa ay napagdiskitahan ko ang kandila namin. Ayun..alam niyo yung mga wax sa kandila? Ayun binuhos ko yun sa sahig namin.
Kunwari albularyo daw ako. Nakakaaliw pramis! Siguro madaling araw na nung nakatulog ako...
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.....
PICTURES!

Sanga at yero. Kanino kayang yero yan noh? Tsk tsk tsk. I took this pic during the typhoon.

Parang jungle lang noh? Mangga yan ng kapitbahay namin. Nagiba. Nadaganan bakod nila kaya nawasak di yun! I tookk this pic after the typhoon as well as the one below.

Na detach ata lahat ng mangga sa kinalalagyan nila dito sa subdivision namin.
The day after The DaySeptember 29,2006
Nagising ako mga 8:00 am. Unang pumasok sa isipan ko eh "
Dyoskoh. May kuryente na ba?" Bumangon ako sa sofa tumungo sa may switch ng ilaw tinitigan saglit...pinikit ko ang mga mata ko saka ko i-on ang switch. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at tumingala. Napasigaw ako "
Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh! Walaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa paaaaaaaa ringggggggggggg kuryenteeeeeeeeeee!!!!!" Shocks. Lumabas ako ng bahay at ang mga taong nasa labas ay naglilinis ng mga kalat. Ako naman ay kumuha ng upuan at tumambay
sa harap ng bahay namin at pinanood ang kasambahay naming na nagwawalis. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon ko lang ulit nakita ang iba kung neighbours dahil simula nung bumalik kami dito sa Pinas ay minsan na lang akong lumabas ng bahay...ay except pala nung
second year high school ako. Isa akong
dakilang lakwachera nung second year eh pero nung mga times na yun hindi naman dito sa amin kundi sa bahay ng mga friendships ko ako gumagala o kaya naman sa Phase 5 o kaya naman sa
basketball court kaya di ko rin nakikita ang mga neighbours ko noon. So anyways nagising na rin si Andox. Kumain muna kami tapos niyaya ko si Andox kayla Keisha dahil nga walang magawa. Ayun pagkatapos kumain ay nagpalit ako ng t-shirt para kunwari naligo pero hindi naman talaga tapos pumunta na kami kayla Keisha at sa daan nakoh.... CHAOS mga dudes! Haba ng pila sa poso daming nagiigib. Tapos sa daan ang daming mga sanga ng puno na nagkalat. Tapos nung malapit na kami kayla Keisha sakto at nakita ko ang
numero unong balahura na si
Khatt. Wahaha. Pareho kaming walang ligo, pareho kaming malapit ng mabaliw at parehong may
butas sa kili-kili ang t-shirt na suot namin. Sakto dahil sa sobrang pagkabagot ay naisipan din niyang pumunta kena Kei. Geez. Do great minds think alike or what???? Anyways ayun nandun kami nagkwentuhan at nagtitigan. Tapos umikot kami at tinignan ang
number one tourist attraction sa subdivision namin ng mga panahon nay un: ang natanggal na bubong ng Fiat Lux. Grabe..ibig sabihin ganon pala kalakas yung hangin noh? Tapos ang daming peopleness sa streets…
parang fiesta lang eh! Tapos umuwi muna ako saglit upang magpakita sa bahay kasi mamaya hanapin ako ng Pops ko at biglang maghysterical yun pag nalaman nyang wala ako sa bahay. So ayun...Sakto pagdating ko eh paalis na siya papuntang opis tapos I asked him kung ilang days walang kuryente sabi niya sabi daw ay baka 5 days daw. Nung mga sandaling yun akala ko eh guguho ang aking mundo.
Imagine… 5 effin days without water and electricity?????????????????????? Oh Ano? Naloka ka rin noh? Siyet. Hindi ko tuloy ma-imagine kung paano nabubuhay yung mga tao noong unang panahon. Tapos sabi niya mag-igib daw ako ng tubig sabi ko
ayoko ko nga so nagpaalam ako na tatambay muna ako kena Keisha. Nagsawa na rin ako sa kakatambay so nung bandang hapon umuwi ako at binasa ko lahat ng libro namin dito. Tapos biglang...may kuryente na!
OH THE JOY!!!!!!! Ang saya saya! I swear! Isa na sa
happiest days of my not-so-simple life. Syemperz binuksan ko agad yung
computer! Excited talaga ako! KASO walang internet!!!!! So ayun
nalungkot na ulit ako. Nanood na lang ako ng tv. Nung bandang gabi umulan ng medyo malakas at since eto na lang ang pagkakataon ko upang makaligo ay naligo ako. Imagine gabi na yun ha! It was freezing but worth it. Syemperz naman nagbanlaw ako sa bahay namin noh. So ayun ang saya. Basta ang saya saya ko dahil may kuryente na kahit walang tubig ayos na rin kahit papano. Kaya pa naman naming mag-igib.
*********************
And that my friend...is my ultimate milenyo experience. Kung sakaling nagwawonder kayo kung kelan kami nagkatubig ang sagot ay nung
Sunday. October 1. Masaya na sana kaso narealize ko na tambak na ang labahin ko so buong araw ay nag multi-task ako..Naglalaba habang nanood ng ASAP,Your Song, Love Spell & opening ng PBA Goodness mga seven na ata ako natapos maglaba. Pero ayus lang
panalo naman Ginebra against the Welcoat Dragons so all's good.
Till next time....
GOD BLESS Y'ALL!